December pa lang, may idea na ako sa kahihinatnan ng lahat. Nasa bus ako noon papuntang Katimugang Luzon, kasama ang isang kaibigan na nagta-trabaho sa Office of the President of the Philippines. Matagal na siyang naglilingkod sa gobyerno- mula pa noong rehimeng Marcos. Hindi siya sikat sa madla ngunit bihasa sa pasikot-sikot ng pulitika. Maging mga madidilim na kaganapan sa loob at labas ng Malacañang ay alam niya.
Umaga, habang inaantay namin na lumarga sa terminal ang bus ay lumitaw sa on-board TV ang isang flash report. Brasuhang naipasa nga daw ng mababang kapulungan ang impeachment complaint ng Chief Justice at nakahanda na itong litisin sa senado.

"Ano sa tingin mo, Kuya Jaime, ang magiging outcome ng impeachment?", tanong ko sa kasama kong kaibigan?
"Dalawa lang yan, Paquito, it's either magre-resign si Corona sa kalagitnaan ng paglilitis o matatapos ang sesion at mako-convict siya".
Hindi na ako nagtaka sa fearless forecast niya. Si Erap nga rin noon, umalis na sa pwesto kahit hindi pa siya nahahatulan.
Ang mga sumunod na paliwanag ang nagpa-ikot sa aking kukote. May kinalaman nga daw ang Malacañang, particular si Noynoy- under Cojuanco's orders, kaya mabilis na naipasa ang impeachment complaint. Dahilan nito ang paghawak, at pagpabor ni ex-CJ sa kaso na maibahagi sa mga magsasaka ang lupain ng Hacienda Luisita. 188 ang kongresistang pumirma sa impeachment complaint at pumabor na malitis ang punong mahistrado. Ilan sa kanila, umamin na hindi naman nila naintindihan ang nasabing artikulo- basta na lang silang pumirma. Isa na nga dito ay si Deputy Chief Prosecutor Fariñas.
Higit sa limang buwan ang sinayang ng senado sa ginanap na paglilitis. Umpisa pa lang, bad shot na agad ang prosecution team dahil sa hindi pagiging handa sa mga witnesses. Nandyan ding maglabas sila ng mga ebidensiyang basta na lang nilang napulot kunsaanman at ipinirisinta sa impeachment court. Si Sen. Santiago at Presiding Judge Enrile na rin ang nagsabi na kung nasa ordinaryong korte sila ay automatic na tapos na ang paglilitis- pabor sa nasasakdal. Pero pinalipas nila ito sa kadahilanang may dalawampung iba pang senator-judges ang magpapasya ng lahat.
Higit sa limang buwan ang nasayang ng lahat ng mga taong sumubaybay, kasama na ako. Sa tagal ng panahong tayo'y naka-tungangang lahat at naki-usyoso, napatunayan ba nila na nagnakaw at nandambong si Corona? Sa aking palagay ay hindi- at alam kong aware din ang prosecution panel dito, kaya isang taktika ang naisip nila: inurong nila ang ibang articles of impeachment. Mula sa walo ay nauwi sa tatlo ang ikinaso nila sa punong mahistrado. Ang pinaka-"major" case nga nila ay ang hindi tamang pagde-declare ng SALN ni ex-CJ, bagay na talaga namang siya'y guilty. Ang tanong: sapat ba itong ebidensya na siya'y nagnakaw o nandambong? Nasaan ang 80 million pesos na sinasabi ni Ombudsman Morales? Binanggit lamang niya ito through a PowerPoint Presentation pero hindi niya ito napatunayan ng husto. Nasaan din ang mga dose-dosenang mansions daw ni Corona? Tae- lima lang pala, ang iba garahe pa!
Tumanggap ba siya ng lagay kaninuman? Bakit sinisisi sa kanya ang pagbibigay ng TRO sa travel ban kay ex-Pres. Arroyo gayung ang pasyang ito ay pasya ng Supreme Court, at hindi lamang kanya.
Higit sa limang buwan ang lumipas. Nandito uli ako sa loob ng bus papuntang Katimugang Luzon, at mula sa katabi kong nanunood ng news sa kanyang TV-Phone ay narinig ko ang naging hatol. Nagkatotoo ang forecast ni Kuya Jaime- nahatulan ng guilty si Mr. Corona- bagay na ipinagbunyi ng mga Filipino.
Facepalm.
Nahusgahan ang isang akusado, not based on evidence and facts presented, ngunit base sa kunsensya kuno at mabahong political agendas ng mga senator-judges. Awtomatiko nang mananalo sa susunod sa eleksyon ang mga re-electionists. Sigurado na ring kasama sa senatorial slate ng administration sila Rep. Tupas at Rep. Fariñas sa upcoming election.
Tapos na ang drama. Tapos na ang telenovela. Natanggap ba natin ang hustisya? Ika nga ni Sen. Santiago, nahatulan ninyo siya ng guilty, to the point na pinagmukha ninyo siyang kriminal- ibig sabihin lang, lahat ng nakaupo sa gobyerno ay malinis- pero bakit lagi pa rin tayong nasa listahan ng mga Most Corrupt Nations in the World?

very nice read.
ReplyDeletehindi na natin maalis ang salitang Kurapt sa ating gobyerno. Kung bakit? Kahit tanod o brgy chairman. Ay ganon na rin. Sana'y namatay na yong taong umembento ng salitang "CORRUPT". hehe.
ReplyDeletesakit sa ulo yang trial na yan, pinagmukhang tanga mamamayan
ReplyDelete